KAIBIGAN lang

Tara, manatili nalang tayo sa pagiging magkaibigan
Para maiwasan rin natin ang mga sakitan
Mahirap na kapag nawala ka
Paano nalang ako kapag hindi na ikaw ang dantayan

Tanggapin nalang na tayo’y hanggang dito
Para kapag ika’y nabigo, lagi lang nandito
Nang sa gayon, makakasama kita habang buhay
Masusubaybayan ang iyong makulay buhay

Sapat na pagmasdan ka lang sa malayo
Basta’t hindi ka lalayo
Panatilihing malapit ang loob
Kahit na mayroon ka nang kutob

Hindi ko malaman ang patutunguhan ng tulang ito
Gaya nang pag-ibig ko sayong nalilito
Lagi mo lang tatandaan, ako’y naririto
Habang buhay na kaibigan mo.