Dear Reisxxzzzssshhyyya,

Hoy ikaw! Oo ikaw,

Thank you.

Salamat sa lahat ng bagay na pwede kong ipagpasalamat.

Sa pagpapa-saya, sa pang-iinis, sa pagpapa-realize ng maraming bagay.

First week ko as a college student, isa ka sa una kong nakasama. Though nakahiwalay tayo the following months, nagbalikan parin tayo (yiiieh meant to be charr hahaha). Ikaw yung taong tawa palang nakakatawa na (whut? haha). Bakit ko ba ito sinusulat (ineencode rather)? Kasi di ko naman ito masabi sayo personally, korni kasi hahah. Hayaan kong ibang tao nalang ang makabasa haha. Gusto kong mapahayag sa iba na may mga tao na ang daming negative thoughts sa buhay like you pero may mga taong andyan parin para sa inyo. Andito ako, andito kami para sayo. Maraming taong nagpapasalamat sa mga kaibigan nila kasi naiintindihan sila, but its different for me, I want to thank all those people (including you) na nagstay parin saakin kahit di na nila ko maintindihan. Syempre we can’t push other people to understand us kasi mismong sarili natin hindi naman natin 100% naiintindihan.

Kaya ikaw babaeng hirap ng spelling ng name, stay strong and always look at the brighter side of life. Fighting! kaya natin ito 🙂

Love,

Lisa