Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

di ko alam san ako nagkamali
binigay ko lang nman ang alam kong dpat
pero bakit parang ako pa ang mali
binigay ko ng buung buo ang puso ko
pero bakit unti unti nang nadudurog ito
wala nman akong hinihingi sa yo kundi oras mo
mali nga siguro na sa yo umikot ang mundo ko
mali nga siguro na pangarap mo lang ang tinulungan kong buuin mo
mali nga siguro na tumigil ako mangarap para sa sarili ko
pero ina din ako kaya ako nag sasakripisyo
libre nman sana ang hinihingi ko
kahit na alam kong andami kong kahati sa yo
ibigay mo naman sana ng buung buo
at sana nasa akin ang isip at puso mo pag magkausap tayo
gusto ko maramdaman na mahalaga ako sa yo
gusto ko na kahit walang kwenta ang mga sinasabi ko andiyan ka pa rin sa tabi ko
sana ang ligaya na nararamdaman mo pag ksama sila e ganun din ang naibibigay ko sa yo
mali nga siguro na nag akala ako na simple lang ang buhay para sa yo
mali din siguro na akala ko pareho tayo ng mga gusto
akala ko sapat na pag mahal mo ang isang tao e nagkakaintindihan kayo
sana madaling burahin mga tanong sa isip ko
di ko alam sa anung paraan maiintindihan mo ako
di ko rin alam sa anung paraan makakalimot ako at mabubura lahat ng ito..

Send me the best BW Tampal!

* indicates required