Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
Bakit sa libo-libong tao na pwedeng makilala ay sayo pa?
Bakit binigyan mo ng pagasa ang puso kong alam kung sa huli ako ang magdudusa,
Mahal kita,sabi mo’y mahal mo ko ngunit mahal mo siya,
While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:
Bakit sa tuwing pagdurusa ang nadarama sa piling nya,nandyan ka parin nakakapit sa kanya?
Ano nga ba ang tunay na nararamdaman sa pagitan ninyong dalawa?
Mga yakap mo’t halik laging inaasam sa tuwing patago tayong magkasama
Na tila ba walang katapusan kasiyahan ang hatid mo sa tuwing tayong dalawa ay nagkikita
Bakit ba nagkaroon ng siya na laging pighati na lang sayo ipinapadama,
At bakit meron isang ako na kasiyahan mo lang ang gustong ipadama
Sana’y ako na lang at hindi na siya.
Mga katawan nating naglapat ligaya para sakin at pighati sa kanya
Alam ko ang pakiramdam ng masaktan at iwanan ng dahil sa iba,
pero masisisi mo ba ako na sa kabila ng lahat ay gusto kung iparamdam ang tunay mong halaga
at masisisi ba kita kung ang iyong pusong naliligaw ay sa akin napunta
bakit ba kasi hindi mo siya maiwanan kahit puso at isip mo’y nagdudusa
bakit hindi na lang ako bakit siya pa,bakit hindi ako bakit siya?