BAKIT IKAW PA?!
Categories Poetry

BAKIT IKAW PA?!

BAKIT IKAW PA?!

Sa una pa lang, hinangaan na kita.

Bakit ikaw pa?

Sulyap ng iyong mga mata, sa aki’y nagpapasaya.

Bakit ikaw pa?

Kung pwede lang, iiwasan na kita

At di na muling kakausapin pa…

Bakit ikaw pa?

Sa pananamit, ang husay mong magdala;

Sa iyong kisig, talagang talo sila…

Kapag nagsasalita ka, ako’y natutulala at lalong humahanga…

Bakit ikaw pa?

Habang maaga pa at paghanga pa lang aking nadarama,

Isasaisantabi ko na at baka sa huli’y masaktan pa…

Bakit ikaw pa?

Daigdig nati’y malaki ang pagkakaiba;

Ako ay nasa ibaba, samantalang nasa itaas ka…

Bakit ikaw pa?

Ayaw kong nadarama ay lumawig pa,

Pag nagkataon, ako din ang kawawa.

Pagkat mahal mo ay iba at di ka na malaya!

Bakit ikaw pa?

Di naman magtatagal, malilimot din kita;

Lilipas din itong paghangang nadarama;

Salamat na rin, ika’y nakilala…

Kahit paano, sa aking kasiyahan, nakadagdag ka!

Bakit ikaw pa?!