Sa mga araw na lumipas, Hindi ko maiwasan magtanong sa aking isipan Bakit nga ba gusto kita? Satuwing nakikita kita, Masaya ako. Sa tuwing nakikita kita, Napapawi ang lungkot ko. Sa tuwing kinakausap mo ako, Hindi ko maiwasan kiligin ng hindi nagpapahalata sa mga nararamdaman ko. Sa tuwing nakikita kita tumawa, Nagiging Masaya at Masigla ang lahat. Ako’y komportable kapag ikay kasama tila para akong nakalutang sa hangin, at ikaw lang ang nakikita.
Satuwing nakakasama kita, Kasama ang ating barkada parang pakiramdam ko espesyal ang araw na ito. Pakiramdam ko Safe ako kapag kasama ka, Ramdam ko kung gaano mo pinapahalagahan ang bawat oras na tayo magkakasama.
Sa buong oras na ikay kasama, ako’y nagiisip mas pipiliin ko maghintay at hindi mainip, Pipiliin ko makipag tawanan, kulitan sayo at sakinila. Mas pipiliin ko makinig sa mga kwento mo, Sa mga lungkot na pinagdaraanan mo. Sa kwento mong makabuluhan, at sa kwentong parang wala lang. Pipiliin ko makinig sayo at sundan ang tawa mo.
Sa gitna ng ating tawanan at kulitan, May bagay na hindi ko rin maiwasan itanong saakin isipan, ang mga katagang lagi ko dinaramdam.., Akoy kaibigan mo lang ba talaga? Bakit nga ba gusto kita? Paulit ulit na tanong sa aking sarili. Sa bawat sandali na nalalabi sa buong gabi, Lagi ko isinasantabi ang lungkot na nararamdaman. Naiisip ang may kapal at bumubulong sakanya na “Sana po siya na lamang,”. Masasabi ko na isa ka sa panalangin ko. Hinihiling kung pwede ikaw ay ibigay niya sakin, ngunit bakit parang may bumabalakid isang pangalan ng babae ang naiisip.
Ako’y napapngunahan ng lungkot at takot, Na kapag naalala ko ang mga bagay na gusto mo. Sa pangalan na binabanggit mo, Alam kong malayo maging ako. Minsan naiisip ko ako ba yun? pero alam kong itoy malabo. Nasa isip ko ang salitang “Paubaya paubaya paubaya yan ang tangi kong magagawa..,” Hindi ako napipilitan, itoy bukal sa aking kalooban aking lubos na tinatanggap ang katotohanan.
Kaya sa muli nating pagkikita, hangad ko na mabigyan ka ng lakas. Ngayon ikaw muling lalayo panalangin ko sa puong may kapal, ikaw ay ingatan, Pagalingin ang iyong sugat at lungkot na nararamdaman, Hiling din sakaya pag dumating na ang kanyang itinakdang panahon, Istorya naman natin dalawa ang ilalarawan. Hindi ako aasa pero handa ako maghintay, Dahil alam kong ang nasa itaas ang may kontrol sa ating kwento. Hindi natin alam ang kanyang plano, pero ang natitiyak ko na mas maganda iyon kesa sating pang sariling gusto. Ako ay magpopokus sa aking sarili at mundong tinatahak at ikaw ay ganun din. Sa ating muling pagkikita., sana mailahad na ang nataramdaman.,