Sa bawat rebolusyon ng mundo sa araw,
kasabay ang ikot nang mundo kong tila’y naiwan sa’yo.
Habang umu-usad ang panahon, ako’y naglalakbay pabalik,
Pabalik kung saan nandoon pa tayo.
Kung saan malinaw at may kulay pa ang lahat.
Pilit kong pinaniniwala ang sarili ko
Na isa lang itong kabanata sa ating nobela,
Na baka balang araw, mahanap muli natin ang isa’t-isa.
Current Article: