Between Y.O.L.O and Y.O.D.O (Making the Most Out of Your Life)

Have you ever asked yourself “If I die today, na satisfy ko ba si Lord sa mga oras na na-spend ko yesterday?”,”Naibigay at naisapamuhay ko nga ba ang gusto Niya, naibigay ko nga ba ang best ko?”, “Kung mamamatay ako ngayon, ano yung legacy na maiiwan ko sa mga tao?”

If you haven’t asked yourself such questions like that, I dare you to ask it now. Why? because our days are numbered. Bilang na bilang ang mga oras na ilalagi natin dito sa mundo. According to some statistics, ang life expectancy ng tao ay nasa 70-75 years lang. So if I am turning 20 this year, I still have 55 more years to live. But that 55 years ay uncertain pa. Hindi pa tayo sigurado kung aabot nga ba tayo ng 75 kasi pwedeng hindi na umabot doon or mahigitan pa. That’s the reason why I always ask myself those kind of question every time that I wake up. Kasi hindi mo hawak ang bukas, at walang naka aalam kung ano ang mangyayari. Kaya hanggaang may chance ka pa at ginigising ka pa ni Lord, it means He is still giving you another chance to live your life according to His will and purpose. Because according to the Bible

“yet you do not know what tomorrow will bring. What is your life? For you are a mist that appears for a little time and then vanishes. Instead you ought to say, ‘if the Lord wills, we will live and do this or that”
James 4;14-15

Hindi natin hawak ang mga mangyayari. So live your life as if you only have today. Sa bawat araw na gigising ka, thank God. Then think and ask Him to teach you to number your days.

“So teach us to number our days that we may get a heart of wisdom”
Psalms 90;12

Ipamuhay mo yung mga araw na naririto ka nang maayos at according to God’s will.

Between Y.O.L.O (You Only Live Once) and Y.O.D.O (You Only Die Once) ano ang gagawin mo? Isang beses ka lang mabubuhay at isang beses lamang din mamamatay. Sa pagitan nung mga oras na iyon, ano ang gagawin mo? Pano mo bubunuin ang mga oras na mayroon ka? plan it. Plan it right now. Huwag ka nang mag sayang ng mga oras dahil ang bawat segundo na lilipas at mapalilipas mo ay hinding hindi na maibabalik pa. You only have today to live your life to the fullest and live it accordingly.

I love this animation about a one minute fly who spent his 1:00 minute life to the fullest.

Come to think of it. That fly has only one minute to spend his life and he did it well. Ginawa nya yung best nya to live his life to the fullest. Tayo, we have years to live it so spend it wisely. Ma buhay ka nang masaya at walang binabanggang tao or binabaling command.

And bago ka mamatay, ano nga ba ang iiwan mo dito sa mundo? Think of a burial scene. Lahat ng mga taong malapit sayo ay mag gagather sa burol mo and they will talk about how good or bad you are habang nabubuhay ka pa. Gusto mo bang marinig na “ay sobrang ganda ng legacy na naiwan niyan. Hinding hindi ko malilimutan yung mga aral na naiwan niya sakin” sarap sa ears diba? So we must know how to number our days and live it wisely.

Ask God to reveal it to you. Seek His will as always.

Live your life as if you only have today. Live it wisely. Mag iwan ka ng legasiya na hinding hindi mananakaw at malilimutan ng mga tao. Legasiyang naipamuhay mo according to God’s will.

Fight a good fight of faith and be a good and faithful servant of the Lord until dumating yung oras na humarap tayo sa Kaniya para mag sulit ng mga bagay na nagawa natin dito at sabihin Niyang “well done, my good and faithful servant”

Exit mobile version