Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

 

Hanggang kailan?

hanggang saan?

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Hanggang kailan Ka maghihintay na maging kayo? Na magkaroon ng label yung samahan niyo?

Hanggang saan ang kaya mong tiisin? na Baka Sakaling sa paglipas ng panahon Ay maging kayo?

Masaya ka? Masarap ba?

masaya ka na may taong nagpapahalaga sayo kahit di naman talaga kayo?

Masarap bang magmahal ng walang ideya sa bawat eksena?

Kuntento ka? Paninidigan mo?

Kuntento ka? na sumasagi ka lang sa Isip nya? Ayaw mo bang Sadyain nyang sumagi ka sa isip nya? Di ba mas masaya yon?

Paninindigan mo? Kaya mo bang Manindigan sa ngalan ng pagmamahal mo sa taong yan?

Sagot mo: Oo kaya ko!

Sige tatanungin ulet kita…

Paninidigan Ka ba? kung sa umpisa pa lang mas pinili nyang walang label ang relasyon niyo? sa tingin mo kaya ka nyang paninindigan?

Kuntento kaya sya? sa tingin mo sapat na? yung mga palitan niyo ng sweet text message? Yung iloveyou niyo at imissyou pag magkalayo kayo? sa tingin mo sapat na yung nagawa mo?

Masarap ba sa pakiramdam nya na mahal niyo ang isa’t isa pero di alam ang Halaga?

Masaya ba? Sa tingin mo masaya sya? sa tingin mo masaya sya sayo kahit wala namang kayo?

Hanggang saan? hanggang saan kaya aabot yung pagmamahal nya sayo?

Hanggang kailan? Hanggang kailan sya magtitiis na mahalin yung kagaya mo?

Sa tingin mo tatagal kayo?……. Sige Isipin mo?

 

 

 

 

Send me the best BW Tampal!

* indicates required