Binuo ko sya, para sa iba.

Nakilala kita sa kahapon,
kahapon na may lungkot sa iyong mata,
kahapon na pariwara ang iyong mga paa,
kahapon na ang puso mo ay mahina,
kahapon na akala mo wala ng pag asa.

Minahal kita sa kahapon,
kahapon na akala kong totoo ka,
kahapon na akala kong napasaya kita,
kahapon na akala kong di ka mawawala,
kahapon na akala kong di ka mabubura.

Ginamit mo ko sa kahapon,
tinuruan kitang sumaya, diba?
tinuruan kitang magmahal, tama ba?
tinulungan kita sa pangarap mo, tunay ba?
tinulungan kitang mabuo, oo nga ba?

Minahal mo nga ba o ginamit mo lang talaga?
Minahal kita pero pinili mo siya.
Minahal kita pero asan ka na? asa kanya ka diba.
Lumaban kahit halos ikamatay ko na,
Naiwan mag isa dahil buo ka na, binuo kita.
At nung buo ka na, san ka nagpunta?

Nagpabuo ka, binuo kita,
binuo kita para sa kanya,
binuo kita para sa ligaya ng iba.
Sa mga mata ng tao’y mali pa.
pero kahapon ba’y naaalala mo pa?