Nasan nga ba?
Isip kong gumagala.
Nalulunod sa ingay,
gulo at alaala.
Di mawari kung ano ang pasya.
Susundin ba ang isip
o nadarama?
Nalulunod sa mga saloobin,
iniisip sasarilihin.
Di mabigkas ng labi
ang sa puso’y may sidhi.
Nalulunod.
Nakahiga.
Tulala.
Gustong lumuha
ngunit ‘di magawa.
Natatakot na baka makutya.
.
.
.
.