BUKAS

Walang karapatan ang mga lalaki na makipaghiwalay o umayaw sa isang relasyon. Kasi sa umpisa palang, nananahimik ka tapos bigla silang e-entrada. Guguluhin ang sistema. Sila ang nagpumilit na pumasok sa mundo mo kaya anong karaparan nilang bigla nalang umalis dito? Dapat bago ka niya niligawan kinilala ka niya na muna. Ang hirap kasi sa henerasyon ngayon magandahan lang sa’yo liligawan ka na e. Konting pagsubok, susuko na. May hindi lang magustuhan, aayawan na. Konting mali, lahat itatapon na. May kulang, hahanapin agad sa iba. Kaya nga dati pinag-iigib pa ng tubig at pinag-sisibak ng kahoy para mapatunayan na gusto ka talaga. Pinaghihirapan. Ngayon kasi, hanap, usap, deal. Ganun kadali. Nawawala na yung totoong meaning ng love. Nawawala na yung essence ng panliligaw. Ang relasyon ay hindi pinapahalagahan kasi hindi na pinghihirapan. Pero kahit pa pinahirapan mo yan o sinagot mo agad, hindi pa rin tama na siya yung makikipaghiwalay. Mag-tiis siya kasi ikaw ang pinili niya. Ang mga lalaki kasi sila ang namimili ng liligawan nila. Ang mga babae ba pwedeng mamili ng manliligaw sa kanila? Kung maganda ka, pwede pero pipili ka lang sa mga manliligaw sa’yo unlike boys na sila ang mamimili kung sino yung gusto nilang ligawan. Ikaw yung pinili niyang ligawan, swerte na nga niya kasi sinagot mo siya e tapos bigla ka nalang niyang iiwanan? Mali yon. Pero wala tayong magagawa, sa panahon ngayon pakapalan na ng mukha. Yung mga kabit na nga ang mas matapang sa mga legal na asawa. Na sa pagtagal ng panahon at sa pag usbong ng teknolohiya, mas lumalayo ang mga tao sa isa’t isa. Nawawala na yung pagpapahalaga. Tanggapin nalang natin na sa panahon ngayon nagkalat na ang mga huwad at mahirap na hanapin yung totoong pagmamahal. Kaya kung natagpuan mo na yung sa’yo ingatan mo. Madaming snatcher dito sa mundo, hindi nalang ginto, kahit peke hinahablot nito. Ingat din sa pinapapasok sa buhay mo, baka mamaya magnanakaw ito at kunin ang lahat sa’yo. Magsisimula ka ulit sa wala tapos pag nabuo mo na ulit yung sarili mo, may bagong darating na naman para nakawin yung mga naipundar mo. Pero hayaan mo, ilang beses mang malimas ang lahat sa’yo may darating din na mananatili at tutulungan kang buoin at ayusin ang sarili mo. Wag matakot na muling sumubok dahil hangga’t hindi pa masaya, hangga’t nasasaktan ka pa, hindi pa yun ang wakas dahil palagi pang merong bukas.

-JulaissABNOY©️

By Lai

PLAIN ABNORMAL ☺

Exit mobile version