Ligtas kaba?

86

Do you ever look at the person and think siya na! But all of the sudden hindi pa pala? When you’re ready enough to fall in love again and risk it all but in the end you failed in the game called love? Game? yes! Because kahit anong laban mo natatalo ka padin.

But the beauty of it is that you learned how to accept the fact na hindi lahat ng gusto mo mapapasayo. You need to wait kung siya naba talaga. And you need to be aware of the red flags, baka kasi pinilit niyo lang pero hindi pa kayo handa o hindi pa siya handa.

Pero dahil nakita mo sa kanya yung tama? Mahirap isipin na sasaktan ka din pala niya. Na siya yung mali sa lahat ng tama. Mali sa lahat ng tama na ginawa mo. You get blinded sa pagmamahal, blinded enough na iniisip mong babalik pa siya na babalikan kapa niya.

And when the time comes? Gigising ka nalang, mali – Magigising ka nalang sa katotohanan na wala na talaga, na kailangan mo na bumangon sa pagpapakatanga.

Hindi dahil hindi mo na siya mahal kundi dahil nasasaktan kana. Hindi naman dahil sumuko ka ay hindi mo na pinaglaban yung pagmamahal na meron ka para sa kanya, minsan sumusuko tayo dahil sobrang sakit na.
Siya ang unang nangiwan pero ikaw ang huling bibitaw. Sa laro ng tadhana hindi mo alam kung magtatagpo paba kayo o hindi pero ang mahalaga nailigtas mo yung sarili mo sa sakit.


Warning: mysqli_query(): (HY000/3): Error writing file '/tmp/MY984X7f' (Errcode: 28 - No space left on device) in /var/www/html/wp-includes/wp-db.php on line 1924