Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Kung magkikita man tayong muli at maitatama ang mga mali
Bakit hindi?
Kung matititigan kong muli ang mga mata mong walang bahid ng pighati
Bakit hindi?
Kung mahahawakan kong muli ang kamay mo at madarama ang higpit ng kapit ng iyong daliri
Bakit hindi?
Kung maidadampi ko ulit ang aking mga labi sa iyong pisngi, maaalalang muli ang nakalipas na sintaan
Naghahangad na sana isang beses pa, kung pwede naman
Bakit hindi?
Kung magbabago ang ihip ng hangin, kung hindi ka na sana katulad ng dati, kung pwede lang wala ng poot na maiiwan sa puso natin
Kung pwede lang naman, bakit hindi?
Masakit man ang ala-ala ng nakalipas, masakit man ang dinusa sa mga salitang binitawan
Lubos ang buhos ng aking mga luha, kalunos-lunos na tangis sa magdamag
Kung pwede mo pang ihingi ng tawad, kung pwede pa naman
Bakit hindi?
Ngayo’y namamagitan ang kalungkutan at lumbay sa ating dalawa
Hindi ko sana maisasambit ang ganitong mga katanungan
Ngunit lahat ng ito’y iyong kagagawan
Kung pwede mo lang bawiin ang lahat ng pighati
Linisin ang puso sa anumang kaibuturang pait
Sana kung pwede mo lang gawin
Bakit hindi?

Send me the best BW Tampal!

* indicates required