Chope torpe!!
Categories Poetry

Chope torpe!!

Ikaw yung taong gustong gusto kong makasama, gustong gusto na ibigin.

Pero ikaw din yung taong kailanman hindi magiging akin.

Madame akong gustong sabihin sayo.

Ngunit di ko masabi sabi ang mga ito.

Sa tuwing anjan ka hanggang titig nalang ba?

Sa tuwing kasama ka di masabi ang lahat.

Lagi nalang ba?

Itatago ang lahat?

Hanggang kelan ba magtatago ang lungkot sa likod ng mga ngiti?

Sana sa gantong paraan ay mapawi.

Ang mga nararamdaman para sayo ay isasakripisyo.

Hanggang pangarap nalang ba na akoy mapasayo?

Paano pag mabasa mo to?

Paano kung madulas at biglang masabe ko?

Natatakot ako.

Natatakot sa isasagot mo.

Natatakot sa posibleng pag layo mo.

Natatakot na magkaroon ng agwat.

Pero mahal? Ganon ba talaga dapat?

Ito ba ang resulta ng aking pagtatapat.

Oo mas dapat akong maging handa!

Maging handa sa sakit

At wag nang magtanong kung bakit.

Maging handa sa pagkabigo.

Maging handa sa bawat pagbabago.

Pero sa isip ko lahat ay nagiging positibo.

Umaasa na sana ay sagot mo’y OO

Umaasa na sana’y lahat ng ito ay kathang isip ko.

Pero kahit na matalo sa sugal nato.

Ikaw at ikaw padin ang pipiliin ko. 🥺🥺🥺

Ikaw at ikaw padin ang gusto.

Kahit masakit, titiisin ko.

Titiisin at unti unting tatanggapin

Ang lahat ng posibilidad ay haharapin.

Dumilim man ang landas na tatahakin

Kahit na kailan man ay di ka pwedeng maging akin…