Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ako’y nanonood lamang
Nang ika’y masilayan
Lalaking di pangkarinawan
At hindi kasikatan

Matagal na kitang kilala
Ngayon lang kita napansin sinta
Ngunit nang ika’y makasama
Saki’y mahalaga ka na

Nagsimulang makipaglaro
Sa katulad kong seryoso
Sinubukang sakyan ang trip mo
Ngunit ako’y natalo

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Alam kong laro lamang
Ngunit nahulog ng tuluyan
Puso’y muling nasaktan
Kasalanan ko rin naman

Send me the best BW Tampal!

* indicates required