Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Kapag ang bawat “what ifs” ay nawala na

Sana lahat ng “sana” naten nandyan pa

Kapag ang bawat balakid ay naovercome na

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Sana nandito pa rin tayong dalawa

Kapag ang bawat struggles ay tapos na

Sana matatag pa rin tayo na humarap sa isat isa

Kapag ang bawat bagay na humahadlang ay nagparaya na

Sana di pa rin naten pinapalaya ang bawat isa

Kapag ang tadhana ay nagbigay senyales na

Sana ikaw at ako pa rin ang para sa isa’t isa

Kapag pwede na tayong mag commit

Sana sa buhay mo ay di pa rin ako na oomit

Kapag pwede na tayong lumaban muli

Sana ang lahat ay di pa huli

Kapag pwede mo ng makamit ang matamis kong oo

Sana ang bawat feelings ay manatiling totoo

Kapag pwede na tayo muli ay sumugal

Sana puno pa rin tayo ng pagmamahal

Kapag pwedeng pwede na tayo ulit ay kumapit

Sana wala pang iba na sa atin ay nakakapit

Kapag pwede na ulit nateng ilaban

Sana wala pa tayong ibang pinaglalaban

Kapag pwede na nating bigyang kulay ang buhay

Sana wala pang iba na sa mundo naten ay nagbibigay kulay

Kapag pwede na nating ipagsigawan ang salitang “tayo”

Sana wala pang ibang pipigil sa kasiyahan naten na to

Kapag pwede ng maging ikaw at ako

Sana wala pa ring ibang tao sa ating mundo

Kapag ang perfect timing ay dumating na

Sana nanatili pa rin tayong nag iintay sa isa’t isa

Kapag binigay na ni Lord ang tamang panahon

Sana ikaw at ako pa rin ang nasa parehong sitwasyon

Kapag okay na ang bawat bagay Sana di pa rin tayo malalay

Kapag wala ng dapat pang isipin

Sana tayo ay nakakapit pa rin

Kapag ang bawat linyang to ay nangyayari na

Sana patuloy pa rin nating pinagdarasal ang bawat isa

Kapag ang lahat ay naging maayos na

Sana lahat ng “sana”ay matupad pa

Kapag sa atin ay pwede na lahat

Sana di pa rin huli ang lahat

Kaya kapag “pwede na”

Sana “pwede pa “

Send me the best BW Tampal!

* indicates required