Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Pula, kahel
Berde at asul
Mundo’y tumitila
Dila’y nabubulol
Dilaw, lila
Lalong tumitingkad
Mga bulaklak
Namumukadkad
Sa tuwing ika’y
Aking nakikita
O bakit ganito
Ang nadarama?
Akala ko dati
Mga paruparo
Sa hardin lang sila
Nakakapaglaro
Pero bakit ganun?
Tuwing ika’y minamasdan
Sila’y tila naglipana
Dito sa aking tiyan
Gusto ko na sanang
Sa’yo iparating
Ang ibinubugso
Ng aking damdamin
Gagawin ko na ba?
Bukas? O ngayon na?
Nang ako’y magtanong
Kina Kuya at Ate
Alam kong tama
Lahat nilang sinabi
Ibubunyag ko na ba?
Malamang huwag na muna
Sapagkat ako ay
Hindi pa naman handa
Sa ngayon kasi ay
High school pa lamang
Kaya wala rin
Itong patutunguhan
Dahil bihira pa sa bihira
Ang nagkakatuluyan
Sa mga high school na
Nagkaka-ibigan
Kaya ngayon
Lulubusin ko muna
Ang bahaghari
Na iyong ibinibigay
Mga nagliliwanag
Tumitingkad na mga kulay
Paruparo sa dibdib
Tuwing nagsasalubong
Ating mga titig
Pampasigla
Inspirasyon
Crush kita.
Sa ngayon
Hanggang dito lang
Dito lang
Dito lang
Muna

Send me the best BW Tampal!

* indicates required