Hindi ako kasing ganda nya, hindi din naman ako pangit sabi ni nanay,

Hindi ako kasing kinis nya, bagkus ay panay taghiyawat ang aking mukha,

Hindi ako kasing puti nya, saan naman ako kukuha ng puti kung bata palang ay ganito na kulay ko,

Hindi ako kasing friendly nya, I only have few friends, but i’m sure they are my real friend,

Hindi ako kasing tapang nya, hindi kasi ako sanay makipag away gaya nya pero kaya kong ipaglaban ka.

Hindi ako kasing galing nya magluto, pero masasabi kong expert ako pagdating sa pag prito,

Hindi ako kasing galing nya mag ayos at pumorma, wala kasing silbi ang mag ayos kung palagi naman ako bilad sa araw at alikabok,

Hindi ako magaling sa makeup gaya nya, pero sa pag lipstick siguro sasabay ako, yun lang kasi ang kaya ko

HIndi din ako magaling maglaba, pero matyaga ako sa pag plantsa,

At hindi din ako magaling maglaro ng ML kagaya nya, hindi kasi ako player, ayoko kasi ng laro-laro lang, gusto ko seryosohan na.

Iba AKO…..

Hindi kasi ako SYA.