DAAN
Nag lakbay ng walang kasiguraduhan.
Tinahak ang daang Hindi alam saan nga ba ang dulong patunguhan.
Dumaloy na parang agos Ang oras Hindi namalayan.
Panahong ginugol sa paglalakbay ano Ang kinahinatnan.
Nag lakbay ng walang kasiguraduhan.
Ngunit bitbit sa isipan Ang pag- asang may makakamtan.
Binagtas ang liko-liko at masikip na daan.
Sa pagnanais na maabot na Ang katapusan
Sa bandang huli saan nga ba ang tamang daan.
-Moonluna