Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

FRONTLINERS

Sa pamilya ay lumisan,

Upang gampanan pangakong sinumpaan.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Ngayon hindi man tiyak ang kakahinatnan,

Patuloy pa din na lumalaban ,

Kahit tila marami na ang lumilisan.

 

Sa pamilya ay lumisan,

Upang ikaw na may sakit ay maalagaan,

Pero sana man lang ikaw din ay lumaban,

Tayo ay mag tulungan upang tayo ay makauwi sa ating tahanan.

 

Sa pamilya ay lumisan,

Upang pagkain sa hapag ay may mapagsaluhan,

Batid ang hirap sa kabukiran,

Pero tayo ay patuloy na mag sisikap upang may mapakain sa kababayan.

 

Hindi madaling umalis sa tahanan,

Pero iisa lang ang nais ng lahat para sa bayan,

Tayo ay mag tulungan.

Ikaw ay maging lingkod ng bayan kahit ikaw ay nasa iyong tirahan.

 

Sa pamilya man ay lumisan dalangin pa din namin na sila ay mauwian.

Kami ay iyong tulungan.

Dalangin mo ang aming kailangan.

 

Mabuhay!

Padayon mga Frontliners

-Moonluna

Send me the best BW Tampal!

* indicates required