Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

WEIRD! Sobrang weird! I have this feeling na mayroon ka na ding nararamdaman sa akin, ngunit takot tayong parehas sa kakalabasan natin. Ang pagkakaiba nga lang nating dalawa ay sumubok akong sabihin ang nararamdaman ko sayo.

As what I’ve expected, masakit ang nakuha kong sagot sa aking pag-amin. Halos ilang buwan tayong walang communication kasi nahihiya ako sayo. Sobrang hiyang-hiya ako. Pero dahil miss na miss na kita, after 2months nag-chat ako sayo. At hindi mo ako binigo, nagreply ka kaagad na parang walang nangyaring aminan. Natuwa ako kahit papaano kasi hindi nagbago ang tingin mo sa akin.

Pinipilit kong pigilan ang aking nararamdaman ngunit habang tumatagal na nakakausap ka mas lalo kitang nagugustuhan. Noong una, nararamdaman kong kaibigan lang talaga ang turing mo sa akin. Pero ramdam kong habang tumatagal ay may nararamdaman ka na din sa akin kahit papaano. Ito ba ay isang ilusyon lamang o mga paramdam na pilit mo pa ding tinatago?

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Minsan, hanggang madaling araw tayong magkausap. Walang namang kwenta at puro asaran lang ang ginagawa natin pero napapasaya mo na ako sa simpleng bagay na ito. Pero madalas, ang tamad mong magreply! Hindi ko alam kung umiiwas ka ba dahil ayaw mo ko akong kausap na o tuluyan kang nahuhulog na?

Hanggang sa mapunta ako dito sa site na ito. Nagulat ako sa picture na nakita ko at sa nabasa kong content na meron ito! Sinasabe ng puso ko na baka siya ito, pero ayaw naming umasa ng isip ko na ikaw ito. Dala lang siguro ito ng malikot kong imahinasyon na pangarap kong maging totoo…..

Umaasa akong ikaw iyon at pag nalaman kong ikaw, Handa akong sabihin sayo na “walang kami! Dahil ikaw ang gusto ko at matagal ko nang inaantay”

Send me the best BW Tampal!

* indicates required