Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Sa muling pagbubukas ng puso mo
Sa muling magmamahal ka ulet ng taong nais mo
Sana sa oras na ito
Sana piliin mo yung hangarin ay totoo

Sana tanggap yung buong pagkatao mo
Tanggap yung nakaraan mo
Tanggap yung mga bagay na dalahin mo
Tanggap kung sino ka dito sa mundo

Huwag sana niyang hayaan na madurog ulet ang puso mo
Ipaglalaban ka niya laban sa mapanghusgang mundo
Mahalin ka sana niya ng tunay at totoo
Hindi lamang sa una kundi hanggang sa dulo ng kwento.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required