Naaalala mo pa ba,
Lahat ng mga matatamis
Na bagay na ‘yong sinaksak
Sa isipan kong uhaw na uhaw
Sa mga bagay na kaniyang
‘Di pa natitikman?
Naaalala mo pa ba
Nang ang puso kong
Punumpuno ng gulo
Sa mundong ito,
At ikaw ay aking tinanong,
“Paano makalimot?”
Iyong sagot,
“Move on.”
Dalawang salita
At tumagos na
Ang kahihinatnan
Ng kahungkagang ito.