Nakakapanibago naman.

Parang paglubog ng araw, minsan maganda. Minsan hindi makita.

Naaalala ko yung mga araw na palagi kitang kausap.

Tila walang araw na hindi ako ngumingiti at tumatawa.

Yung mga araw na palagi kang nandyan para sa’kin, umulan man o umaraw.

Yung mga ngiti mo na kasing ganda ng mga bituin sa langit.

Oh yung mga bituin sa langit na nagtakda sa atin.

Yung mga text at tawag mo na palagi kong inaabangan,

na kapag wala ay mag-aalala na parang hindi na alam ang gagawin.

Gusto man kitang sunduin, mayakap at makasama ay hindi ko magagawa kasi ang distansya natin ang humahadlang.

Nakakapanibago, kasi ang dating nararamdaman mo ay bigla na lamang naglaho.

Yung dating ikaw at ako ay nabaon na lamang sa limot.

Nalunod sa mga luha na hindi natutuyo ng salitang patawad.

Nakakapanibago, kasi sinanay mo ako.

IG: @kennethbalita