Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Kailangan ko bang masaktan?
Kailangan ko bang masaktan sa iyong paglisan?
Kailangan ko bang masaktan?
Kailangan ko bang masaktan sa iyong pag-iwan?

Bakit ba ako’y nasasaktan?
Bakit ba ako’y nasasaktan sa iyong paglisan?
Bakit ba ako’y nasasaktan?
Bakit ba ako’y nasasaktan sa iyong pag-iwan?

Ano nga ba tayo?
Ano nga ba ang totoo?
Ano nga ba tayo?
Ano nga ba ako sayo?

Saan nga ba tayo?
Saan nga ba tayo patungo?
Saan nga ba tayo?
Saan nga ba tayo kailangan huminto?

Mga tanong na ito’y umiikot
Mga tanong na ito’y nagbibigay kirot
Mga tanong na ito’y nakakatakot
Mga tanong na ito’y nagbibigay lungkot

Kailan nga ba lahat ng ito’y matatapos?
Upang ang isip at puso’y makalaya ng lubos
Kailan nga ba lahat ng ito’y mabibigyang sagot
Upang lahat ng sakit ay mawala kagaya ng pag inom ng gamot.