
Dulo’t simula
Naalala ko pa nung una kitang nakita
 Ako’y walang ideya na ikaw ang aking gustong makasama
 Bata palang tayo noon, ng ika’y unang makausap
 Pero ang puso’y di maitago ang saya kapag ikaw ang kausap
 Nakakatawa dahil sa batang walang kamuwang muwang sa pagibig
 Ay hindi akalain na siya’y iibig
 Ngunit yung bata na umibig, ay kailan ma’y hindi nagsisi
 Hindi nagsisi na ikaw ang aking unang minahal
 Na ikaw ang una kong pinili makasama habang buhay
 At mas lalong hindi ako magsisi na ikaw ang huling pipiliin na mahalin at makasama habang buhay.
 Oo bata pa ako noon, pero hanggang ngayon ikaw pa rin ang pinipili ko. 
 Pinipili sa lahat ng sulok ng buhay ko
 Pinipili sa lahat ng oras at pagkakataon
 Ay teka, oo ikaw lang ang pinipili ko ngayon, bukas at kailanman
 Ikaw ang nagiisang daan na lagi kong gustong puntahan 
 Mga ngiti mo’y walang kasing kulay
 Mga tawa mo’y walang kapantay
 Magka-amnesia man, puso ko’y sayo magpakailanman
 Ikaw lamang ang aking magiging dulo’t simula.
 
                                                         
                                                         
                                                         
                                                         
                                                        


 
                                                 
                                                 
                                                
