Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Tahimik ang mundo nya. Kuntento siya sa pacrush-crush lang, hanggang sa nakilala ka niya.

Pinilit niyang iwasan ka pero nagpapansin ka. Dahil marupok sya, oo marupok sya pinansin ka nya. Nadala sya sa pagpapapansing ginawa mo. Humaba ang usapan nyo at napadalas ang komunikasyon nya sayo. Si Inday na marupok nahulog sa katulad mo Alexander.

May lahi sya ng pagiging NBI at nakita nya ang bagay na sumagot sa mga tanong nya simula nung nagkita kayo sa personal. Kaya pala nasabi mo na may aayusin ka lang sa side mo bago mo sya i-pursue yun pala may girlfriend ka na. Aba mahusay ka Alexander. Akala ni Inday 3 years ka ng single dahil yun ang sabi mo yun pala 3 years ka ng taken.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Minahal ka ni Inday ng totoo tapos ganun ginawa mo. Nakwento nya lahat ng pinagdaanan nyang sakit sa nakaraan nyang pag-ibig tapos ikaw winasak mo lang ulit ang puso nyang hirap niyang binuo. Akala niya iba ka nagkamali pala sya.

Sa mga katulad ni Alexander dyan pag nanahimik ang babae at alam mong galing sya sa painful relationship wag mo guluhin kasi may lalaking mas deserve sya kaysa sayo.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required