Do Not Confess.

Andami kong chika dito, pero tapusin mong basahin. Lalo kana sis. Oo, ikaw!

On a serious note, huwag ka talagang mag confess girl. Kahit anong lakas ng  tibok ng puso mo na para bagang sasabog gaya ng bulkang Mayon, DO NOT CONFESS.
Kasi kung pinagdarasal mo sya at ipinadarasal ka niya, well Rebisco, ang sarap ng feeling mo. Hahaha. See you sa next chapter ng buhay niyo kasi  parang may kasalang magaganap, pero, mmmm may pero yan,  pero not applicable to ALL.

Kasi sometimes, when we pray hindi yung heart ni guy yung binabago ni Lord para maging pabor sayo yung sitwasyon, kasi minsan ikaw yung binabago.

Okay, here are the few reasons kung bakit hindi dapat tayo yung UNANG mag-confess.

First. Let the man do his job.

Kanya kasi yan. Huwag mo siyang agawan ng trabaho. Alam ko hardworking and independent woman ka pero shhhh.
Pride din natin yang sis. Alam ko gutom ka, pero huwag mo naman lunukin pati pride mo diba?
Ano address mo?  Padalhan nalang kita ng pagkain via food panda.

‘Di din natin maiiwasan na may mga tao talagang lakas maka take advantage. Kung sunggaban yung confession mo parang nanalo sa lotto, eh hindi naman kayang panindigan hanggang dulo. Ikaw lang din masasaktan sissy. 

 

Our role is to wait. Actively wait. Huwag naman kain, tulog lang.
Do things that will make yourself better than today. Learn new skills and discover new hobbies.
Do this not for him but for yourself.
Para pag the time is right, you are ready too.

 

Second. Ikakasira talaga yan ng friendship niyo, lalo na kapag out of his radar ka.

Ang shaaakeeet nito beshy. Para saan pa lahat ng pinagsamahan nyo kung ma-uuwi lang sa hiwalayan kahit wala namang kayo? Diba? Been there. Anshaaaket, kasi naisip ko nun, “Hindi ba mahalaga sa kanya ang pag-kakaibigan namin? Yun na yun?”
Pero hindi ako nag confess ha, nag overthink lang ako na alam niya, busy lang pala. Haha

AGAIN, do not overthink, remember that. Baka busy lang.

 

Third. Kahit sabihin nyo pang, “walang magbabago. Ganun parin gaya ng dati.”

Sige, I’ll bite it. Pero sis, 1 week lang siguro eepek yan. After that, “huh? magkakilala ba tayo?” o “sino ka nga ulit?”. Baka kasi iwasan ka lang niya at di nyo na ibabalik ang dati. Each day hindi nyo alam nag bu-build na pala kayo ng WALLS of China.

Kung crush lang talaga yan (ito applicable lang if both of you ay single ha), ipagdasal mo. Baka kasi after a month or a year mawala din, at least kahit hindi naging kayo, naisalba mo naman friendship niyo dahil nag pigil ka.

And if that crush thing will grow into love after mong mag dasal, DASAL ka ulit.
Dasal ka lang hanggang may Go signal na galing kay Lord.

You can never go wrong when you earnestly pray and listen to God.
Ganda ng love story niyo pag si Lord ang bumuo at hindi minadali ng kahit sino mang tao, including yourself.

Tiwala lang sa process.  It will be worth it!