Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

 

Nagsimula ang lakbay ng aking mundo
At wari’y ito ay hindi komplikado
Manga tanawin kay ganda
Ang aking mga nakikita

Pagmulat at pagsukoy ng aking mata
Sabay ng pag-unat ng kamay at paa
Paggising ko’y makikita
Ibong wari’y kumakaway pa

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Sa bintana’y aking makikita
Pagsikat ng araw kay ganda
Boses ng aking ina at ama
Mga pagkain ay nakahain na

Dito na ang tunay na ligaya
Sa aking pagiging bata
Ito’y halos hindi madama
Ang mga labis na problema

At nang ako ngayo’y binata na
Problema koy damang-dama
Halos di mapuna ngiti’t saya
Sa aking pagkabinata

Send me the best BW Tampal!

* indicates required