Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

” Ako muna Pansamantala”

Matatawag mo bang makasarili
Ang pusong nagmamahal pero itinatanggi?
O maituturing mo itong “mapagparaya”
Dahil sa tamang tao mo siya ipinagpapaubaya?

Nais na ikay manatili
Nais na makasama ka palagi.
Ngunit sa likod ng mapang-akit na mga ngiti
Nagkukubli ang nadaramang pait at pighati.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Pag kasama ka’y walang kahulilip na ligaya
Ang tinig mo’y parang musikang kaiga-igaya.
Sa mundong itoy wala kang kapara
Hindi maitatangi, bagay tayong dalawa.

Ngunit kailangang bumitaw
‘Pagkat kinabukasan natiy hindi ko matanaw.
Hindi ko nais na landas moy maligaw
Hindi nais na sa tamang tao ikay aking maagaw.

Itong nadarama ay pansamantala
Walang kasiguraduhan kung tayo ba talaga.
Paano kung ang tamang tao’y mahanap mo na
Paano kung hindi ako, kundi iba pala.

Ayokong kapitan ka ng mahigpit
Dahil balang araw kukunin ka rin niyang pilit
‘Pagkat kayo ang nararapat para sa isat isa
Ako lang muna ngayon, habang hinihintay mo siya.

Habang hindi pa dumarating ang taong laan sayo
Makaaasa kang mananatili ako sa tabi mo.
Pero kapag natagpuan mo na sya
Buong puso kitang ipagkakatiwala sa kanya.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required