Categories Relationships

FLEX KO LANG Ung SOMEONE ko


Siya lang naman Ung Hindi Ako iniwan

Sa gitna ng aking karumihan 

Makailang beses ko man Siyang tinalikuran 

Hinabol parin Niya ako At hinagkan 

Siguro nga He’s My someone to boast

Na sa bawat pagtaas ng baso, He deserve a toast

Makasarili man akong ganap 

Mahal Niya Ako Kahit Hindi karapat-Dapat

Sabihin man nilang Ako ay dakilang weird 

Na noo’y Hindi naman ako ganitong nabaliw 

Na Sayo ay nainlove na rin

Hindi mo ako sinukuan, nagpatuloy pa rin

Kahit sa iba ako nakatingin

Pagmamahal mo sa aki’y Hindi bumitin 

Pinagkait ko ang mga oras na dapat sayo inilaan 

Pangbawi ko man lang sa mga panahong IKAW ay aking tinalikuran 

Oo, nasaktan ako sa mga naging desisyon ko

Pero Mas nalaman kong Mas masakit pala ito Sayo 

Akala ko ako ang biktima

Ikaw pala ang aking nabiktima 

Tumakbo ako ng pagkalayo-layo 

Pero Kahit na ako ay Sobrang malayo 

Kita parin kita , ramdam kong Hindi ka nawala 

Itinago ko ang sarili ko, akala ko’y maiwawala kita 

Nilasap ko ang sarap ng sandali 

Bawat saya sa iba ay aking pinili 

Pero Hindi ako naging bulag At manhid 

Dahil sa kabila nitong saya ay May dulot paring sakit 

Sa bawat hinagpis Ikaw ay aking tinawag

Na sa kabila ng pagtakbo ko palayo, Ikaw parin ang aking hinanap 

At Kahit paulit-ulit kitang pinagpalit 

Paulit-ulit mo naman akong nilapitan sa oras kong mapait 

Ipinaglaban ko ang akala ko’y tunay kong saya 

Na sa dulo ay aking makakasama 

Tinanggap ko ang bawat sakit sa gitna ng pagsasama 

Pero sa huli pala’y iiwan ding mag-isa

Mali kong desisyon, unti-unti Mong ipinapadama

Sa mga mata ko, ito’y lumilinaw kong nakikita 

Mga mali kong nagawa 

Pati sarili kong halaga ay nawala

Pero hinagkan mo akong muli 

At sa malayo Ikaw ay aking namumutawi 

Pangalan ko ay tinatawag mo

At tumakbo ka papalapit sa akin mismo 

Hindi ko na haahayaang mapalayo pa ako Sayo

Tunay na pagmamahal Sayo ko lang natamo 

Hindi ko na muling ilalayo ang sarili ko

Kahit minsa’y Hindi ko man alam Saan ako patungo 

Ititiwala ko ang bawat hakbang ko

Alam ko na tunay ang mga pangako Mo

Hindi ko man malaman ngayon ang sagot sa mga tanong ko

Alam ko na nasa tamang kamay ako

Buong puso’t lakas ilalagay ko sa mga kamay mo

Mahirapan man Ako, Hindi Ako susuko 

Dinanas ko na ang kapaitan ng buhay 

Alam kong buhay kong malayo sayo ay lalong Walang saysay 

Buong buhay ko Ikaw ay aking pasasalamatan 

Iniligtas mo ako sa muntik ng kapahamakan 

Salamat dahil ang naranasan kong hinagpis At pait 

Napatunayan kong Wala ng pagmamahal na galing Sayo ay makahihigit