Minamahal kita…

116

Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Paalam, salitang pinilit kong iwasan
Dahil sa tiyak na sakit na mararamdaman
Ayaw itong sambitin ng aking bibig
Dahil ang puso ko sayo ay umiibig

Masakit isipin na ikaw'y nagbago na
Nawala na ang dating ligaya
Pati na rin ang tamis ay limot na
Nasaan na ang iyong pagsinta?

Ayaw kong iwan ka
Ngunit ano ang aking magagawa?
Sikmura ng aking pamilya ay kumakalam na
Kailangan ko nang magpaalam muna

Minamahal kita perlas ng Silangan
Minamahal kita bayan na aking sinilangan
Ngunit kailangan kong magpaalam
Para sa mas magandang kinabukasan
Kailangan ko munang lumisan
Hanggang sa muli, Pilipinas kong sinisinta

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Send me the best BW Tampal!

* indicates required