Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Saan nga ba nag simula?
Mga kuwento mong walang sense at puro tawa
Saan nga ba nag simula?
Pagkakaibigang masaya

Simulan natin sa isang friend request
Na ang kasunod ay may pa wave
Ako’y napatawa, HAHAHA
Di ko na alam ang kasunod na mga letra

Sa simula, wala masyadong mga salita
Nadaan ang lahat sa mga emojis at patawa
Kalaunan, paguusap natin ay naging masigla
Buong gabi’y nakamulat ang ating mga mata

Maraming gabi pa ang lumipas,
Kuwento’y tila di matapos tapos na parang walang bukas
Mas naging malalim ang pag-uusap,
Lahat naman ay kuwentong pag-ibig na wala ng kislap

Sa araw at gabing nag kukuwentohan,
Tila tayo’y sirang plakang pa ulit ulit sa ating kabobohan,
Isang buwan tayo’y nagkukulitan,
Pero ngayong araw, kailangan mo nang lumisan.

Salamat sa mga kuwento mong pabibo,
Kahit minsan ay para kang bobo, parang sira ulo,
Sana sa iyong pag alis, baunin mo ang mga salitang aking isasambit,
Sa maikling panahon, araw at gabi ako’y iyong napasaya, salamat,
Hanggang sa muli, ito na ang aking huling banat.