Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ang sarap maging lasing

Sa bawat paglagok inaasam na sana ang puso ko ay gumaling

Ang sarap maging lasing
dahil ito lang ang paraan para ako ay makatulog ng mahimbing
Buhat ng mabigat kong damdamin
Mga salitang hindi ko masambit kapag ikaw ay kapiling.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Grabe

Ang sarap lang talagang maging lasing.

Alam mo yung nakakapraning?
Isipin ko palang na sasabihin ko na ba to lahat?
O mag aabang nalamang ng tamang pagkakataon para maging maayos ang magagawa kong kalat

Eto na… Handa ka na ba?
Eto na… Sana wag kang mabibigla.

Na kailangan ko pang manghiram ng lakas ng loob sa alak para lang sayo ay mabuo ang balak.

Mahal kita.
Sobra sobra.

Kaso…

Parang hangin lang ang salita kong nais na pumukaw ng damdamin mo.

Kaya wag kang mag alala.
Ngayon palang pasensya ka na.
Sa darating na kinaumagahan at tanungin mo man ako.

Pasensya ka na.

Lasing lang ako nun.

Grabe ang sarap lang talaga maging lasing.

Daan to upang maagapan ang sakit ng pagka dismaya sa resulta na alam kong sa una palang hindi ko na kaya.
Lasing lang ako nun.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required