From Marupok to Marunong
Categories Relationships

From Marupok to Marunong

Naging marupok ka nanaman ba? Nadala sa mga pambobola nya pero nauwi lang sa wala? Naniwala sa mga kasabihang? “It’s better to have loved and lost than have not loved at all”? Pero teka muna sandali, love ba talaga or fear of loneliness lang ang pinairal mo? Ayayay, chisbumbay! 

Mag definition of terms nga muna ulit tayo. What is love? Love is doing what is best for the other. And it starts with having love for YOURSELF, because you can only give what you have. 

Let’s be honest, ginawa mo ba yun best for you nung pumasok ka sa relasyon na yan? Yung alam mo na may girlfriend siya o asawa pero jinowa mo pa din? Or ilambeses ka na niloko pero lagi mo naiisip kung ang Diyos nga nagpatawad ikaw pa kaya? Or yun ginawa kang ATM, pinakilig ka tapos lumipat na sa ibang bangko? Eto, yun first date niyo palang asawa levels na ang gustong benefits ni kuya? Besh, GISING!!! 

Naisip mo na ba ever bakit pumapayag ka sa ganitong treatment? Bakit never kang natututo? Kahit na shouting red flags na, aba feeling mo “on your mark, get set go” ang ibig sabihin nun? 

Naiintindihan kita. Kasi ako rin dati reckless ako sa puso ko at puso ng iba. Siguro kasi hindi ko rin naramdaman talaga or nasaksihan ano bang hitsura ng tunay na pagmamahal sa isang babae. May father wound kasi ako. Siguro ikaw rin.  Hugs. 

Kailangan maintindihan mo ito kasi kung hindi, uulit-ulitin mo ang mga masalimuot na experiences mo. At baka maipasa mo pa sa mga anak mo. Narinig mo na ba yun generational curses? Yung tipong alcoholic yun lolo, alcoholic mga anak, ganun din mga apo may mga addiction? 

Kaya importante na masabi mo ito friend, “the cycle stops with me.”  Oo, mahirap. Lalo pag tumitibok na yun puso mo. Pero alam mo ngayon palang, pwede mo na mahalin yun mga magiging anak at apo mo. Paano? Sa salitang NO. Hindi ka na muna papasok sa isang relasyon hangga’t hindi mo pa tunay na mahal ang sarili mo. Paano ba? May solution ako diyan.  

Gusto mo nang kumawala sa isang toxic relationship pero hindi mo magawa? 

Gusto mo nang matuto pero madali ka pa ring mauto? 

Mahal mo ba talaga siya o takot ka lang mag-isa? 

Mahal ka ba talaga niya o nasanay lang siyang nandiyan ka? 

Kayo ba’y totoong nagmamahalan o tawag lang ’yan ng katawan?

Hays! Ang mga tanong nga naman ng puso. Nakakapagod maging marupok. Nakakapagod magpaloko. Nakakapagod masaktan.

Mahirap harapin ang mga tanong na ito. But the good news is, hindi mo kailangang sagutin ang mga ito nang mag-isa. 

Nasa mga pahina ng librong ito ang sagot kung paano ka makakaalis sa paulit-ulit na cycle ng karupukan na kinakawasak ng buhay mo. 

Kaya kung isa kang single person pero taken naman umasta o kaya gulong-gulo ka na sa love life mo at puro red flags ang naa-attract mo—tapusin mo ang librong ito para maliwanagan ang puso’t isipan mo. 

Matututunan mo rito kung paano muna maging buo para in God’s perfect time, mapili mo ang tamang tao. 

Friend, it’s time to grow—from being marupok to being marunong.

Get the AYAW KO NA MAGING MARUPOK book for FREE at mariannemencias.com/dinamarupok