Musmos pa lamang ay bukang bibig na ng mga matatanda,
“Magdasal, ipikit ang mga mata at matulog ng maaga.”
Hindi sumunod at ipinagsawalang-bahala
Dilat hanggang maubos ang mga tala.
Kinalakhan at tila ginawang bisyo.
Tanong nila sa akin, “Hindi ka ba natatakot sa multo?”
Sa paniniwalang hindi ako mapapahamak
Hinayaan ang sarili sa kababalaghan at para bang lango sa alak.
Hanggang isang gabi, napagtantong wala pala itong saysay,
Mga kuwentong para lamang sa patay at hindi para sa mga buhay.
Nanlamig. Umiyak. Nangamba na hindi ito masusugpo.
Sa gitna ng katahimikan, darating ang bukang liwayway, liliwanag rin at ang lahat ng ito at ay maglalaho.
Abril 24, 2021 12:19 ng umaga