Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
Mahirap bawiin ang mga salitang nasabi na,
Lalong lalo na ang mga letrang naiguhit na ng tinta,
Maari pa bang burahin ang isang akda?
Paano naman ang mga taong nakabasa na?
Maiaalis ko pa ba sakanilang isipan?
Ang mga letrang bumuo sa aking nararamdaman?
Mahirap mag desisyon kapag ikaw lang,
Hindi ko naisip ang mga bagay na maaring maging kawalan,
Binalikan, pinagisipan, at iniyakan,
Tama nga bang ika’y pinakawalan?
Maaring hindi ko masagot itong mga katanungan?
Hindi ko man maharap ang mga bagay na kinatatakutan,
Ngunit hindi ko dapat binitiwan,
Ang isang tapat na pag kakaibigan,
Sana’y muli tayong makalakad sa ilalim ng mga tala,
Kalimutan mo sana ang aking pagkakasala,
Bibitawan ko na ang tinta at pahina,
Dahil ito na ang aking huling akda