God is my Fortress

Ayoko na, last na ito. I will end this now. Ayoko nang mag minister, bukod sa hindi ako para sa ganito at higit sa lahat nakakapagod na talaga. Ayoko na mag-aral. Ayoko na mag-work. Pagod na ako umasa sa mga promises na ilang beses ng nabalewala. Ayoko na mabuhay. It’s over!!! Gold Cobalt Sodium Polonium! Au Co Na Po. Ilan iyan sa mga rants ko sa life, sino ba naman ang hindi napapagod sa paulit-ulit na cycle ng buhay. I’ll raise my hands, para magtestify. Hindi naman tayo perfect dre, scientifically speaking, mapapagod talaga tayo.

Ilang years na ako sa journey ko bilang isang Christian, sa tagal din marami na akong napagdaanan na struggles na magiging reason to stop from walking with God. Family problems, financial crisis, failed grades, misunderstanding sa mga friends, health problems and love thing, name it! I’ve experienced all of that. Hindi isang beses kundi maraming ulit na. Hindi ko masasabing madali lang sabihin na after all of those problems we have encountered in our lives, lahat magf’fall ulit into its right place, but I always remember this scriptures “He alone is my rock and my salvation; He is my fortress, I will never be shaken.” (Psalm 62:6) Isa ito sa mga declaration ni David sa Book of Psalm. Mas lalo akong naniwala na God is always there and He is ready to comfort us. Siya ang kalakasan at kaligtasan, ibig sabihin kahit anuman ang pagdaanan natin He is there. “Find rest, O my soul, in God alone; my hope comes from Him.” (Psalm 62:5) part din ito ng A psalm of David. Imagine kung hindi ko nakilala kung sino ang Lord sa buhay ko, maaaring hindi ko alam kung paano ihahandle ang emotion ko if it comes from my problems na pinagdadaanan ko.

Umiyak na din ako ng maraming beses na. Sumigaw na rin ako to release my anger kasi sasabog ako kung mananatili lang ito sa puso ko. Nakakapagod maging pagod sa mga hindi matapos tapos na issues ng life. Alam kong may kanya-kanya tayong battle na kinakaharap pero may iisa tayong Panginoon na kasama natin para bigyan tayo ng strength to do all things. Hindi ko man noon gets kung bakit sa murang edad ko nararanasan ko na ang kapaguran sa life na tendency tuloy gusto ko ng mag escape at ayawan kung sinuman ako. One thing God has spoken, I am not design to be a worrier. I am born to make differences pala. Kung ang naging reaction ko lang sa mga problema ko ay ang pagsuko mababalewala ang lahat ng mga sacrifices ng Lord sa akin 2,000 years ago. Sa bawat pag-“ayaw” at sa bawat “huhuhu, sakit bes” ko, God is helping me to learn from it. Hindi ko naman kasi matutunanan ang mag-stand sa faith ko ngayon kung hindi ko naranasan ang transformation na ginawa ng Lord sa life ko. Sabi nga diba, okay lang ang mapagod pero hindi pwede ang sumuko. Ang problema dapat dinadaanan hindi tinatambayan. Isa pa, si Lord hindi napagod na patunayan sa akin na mahal Niya talaga ako. Hindi Niya pinaramdam sa akin na umaayaw na Siya kahit ang hirap kong suyuin. That’s it! No more “ayoko na po”. No more “pagod na ako”. No more being hopeless. No more reason para mag stop. I believe that God will always doing good things for me. He alone will never fail me. Alam kong mapapagod pa rin naman ako pero mas alam kong bibigyan ako ng Panginoon ng kalakasan para tuparin ang mga designed plans Niya sa buhay na hiniram ko. Alam kong mapapagod pa rin naman ako, pero hindi dahilan nito ang pagsuko na dati ginawa ko, isa na itong warning sa akin na mas dapat maging dependent ako sa Kanya. Alam kong nakakapagod na magpanggap na hindi ka pagod pero kay Lord huwag kang mahiya na iconfess ang dahilan nito, gusto Niyang pakinggan ang bawat sasabihin mo. Alam kong minsan kahit anong encouragement ang marinig mo sa ibang tao kapag pagod ka na talaga wala ka ng ibang dahilan pa para pakinggan ito. But God taught me how to look to the better side, kung hindi ko kilala kung sino nga ba Siya, hindi ko masasabi sa iyo ang works ng Lord sa life ko. Minsan ko na ring naranasan ang depression, grabe papatayin ka nito sa kalungkutan, pupunuin ka nito ng doubts and anxiety at ang mas malalala ay nakakapanget talaga ng pisikal na pangangatawan. God never leave me, hindi ko man Siya kinausap noon dahil sa nagtampo ako sa Kanya, hindi Siya napagod na ipaalala sa akin na kailangan ko ang presensiya Niya lalo pa’t nasa midst ako ng kalungkutan. Ang bottomline dito, hindi Siya naging madamot na ihandog sa akin ang lakas para bumangon at muling magpatuloy sa laban sa buhay. Hindi ko kayang wala Siya, anuman ang katayuan ko ngayon, ito ay dahil sa naging tapat ang Panginoon sa akin. I found my resting place in His side. Ang naisip ko paano ko nga naman ba masasabing may kapahingahan kung hindi ko naexperienced ang kapaguran. I am weak as always, but not my God. He is my refuge and my dwelling place. Sa pagpapatuloy ng journey ko bilang isang believer, alam kong ako ay mapapagod nguni’t hindi ibig sabihin nito dadaan ako sa short cut. No, I’d rather go in the long road, gaano man kadaming trials and diffulties ang naghihintay basta one thing for sure at hindi magbabago I am with my mighty God. Sabi nga sa isang kanta, for the Lord is my tower and He gives me the power. I am proud to tell you this, dala-dala ko ang power na galing sa Lord. Ganito ko hinaharap ang araw-araw na battle ng buhay ko. Ganito ang tinuro sa akin ng Lord, at naniniwala ako na anuman ang status mo sa buhay, hindi ka hahayaan ng Lord na sukuan ang kinahaharap mo. Maaaring masakit ito at feeling mo game over na, pero be a game changer dre’, ayusin mo ang settings ng life mo, gawin mong controller ang Lord sa buhay mo, alisin mo ang mga own strategies mo, tapos relax ka lang, give the rest kay Lord. Sa ganitong pagkakataon, I swear you’ll win. Kaya kung pagod ka na sa buhay mo, isa itong mensahe na hindi pala kapaguran ang nais ng Lord na maranasan mo kundi ang naghihintay na magandang dahilan kung bakit nararanasan mo ito sa kasalukuyan. Kasama ka Niya through it all!

To God be all the Glory!!!

1 comment

Leave a comment

Exit mobile version