Tula tula, oo tula

Kanina pa ako tulala

Nakatitig sa mga papel na nakahilera

Hindi na ako masaya sa aking nakikita

 

Di na matapos tapos ang mga gawain

Di ko na alam kung ano ang uunahin

Ang unahin ang gagawin o kumain

Pagod na ako, kaya paumanhin

 

Teka! Pwede bang mag pahinga

Gusto ko lang huminga

Namimiss ko na humiga

Gaya ng pagka-miss ko sakanya

 

Lagi ko nalang inuuna ang trabaho

Kaya hanggang ngayon wala paring nobyo

Ang tagal naman kasi ng prinsipeng nakasakay sa kabayo

Kaya ayun nganga nalang tayo