10 taon… 10 taon na wala na aq nararamdaman…10 taon na ok na sana aq, tanggap ko na… 10 taon na hindi q na alam ang pagkakaiba ng masakit sa masaya…

Isang araw dumating ka, ipinakilala mu ang iyong sarili, iminulat mu aq sa realidad ng sitwasyon na meron aq, itinaas mu muli ang moral spirit q na matagal ng nalugmok, ipinaramdam mu sakin ang kahalagahan q bilang babae, ipinaranas mu skin ang muling kiligin..ang maramdaman na may nagaalala para skin…

Morning, gud nyt, kain ka na, saan ka ba, ingat ka, pm ka pag bahay ka na… ilan lang yan sa mga salitang ngparamdam skin ng iyung pagaalala..
Bahay na aq, skul na aq, dto aq s tita q, punta aq sa banko, matulog muna aq, exercise muna aq, maliligo aq, mga salitang minemessage mu para maging updated aq sa lahat ng galaw mu…

10 taon… muli mu ipinadama skin na pede pa pala aq kiligin… ngayon, halos pitong buwan… bawat pagkakataon na nakakausap kita, naririnig ang boses mu, pinapanood q ang ginagawa mu, nakakasama ka… naramdaman ko na lng nahuhulog ang loob q sau… hidi q sinsadya… naramdaman q na lang na di kumpleto ang araw q ng di ka nakakausap o nakikita… sa iyo umikot ang mundo ko…

Masaya ako… napakasaya, para akong nakalutang sa hangin, walang patid ang ngiti sa aking mga labi, napakagaan ng buhay… hanggang sa pinangarap q na makasama ka, yung tayong dalawa lamang…

Ngunit nasakal ka… dumating ang panahon na ayaw mu na dahil hindi ka na masaya… napagod ka, nagsawa, nabigatan… hindi kita masisisi… pasensya na… hndi q nabantayan ang sarili ko, ginawa kitang mundo ko, kaya sa bawat pagkakataon na hindi ka nakakapagmessage o nakakapagparamdam, inakala q na binabalewala mu na aq, iniisip q na di ka naging totoo sa mga sinabi at ipinarandam mu skin, pinagdudahan kita… patawad…sa iyo ko hinanap ang kakulangan sa pagkatao ko…

Sana hindi na lang… sana hindi nalng kita nakilala… sana hndi na lang kita hinayaang pumasok sa buhay q.. sana hindi na lang aq umasa na posible mu din aq mahalin…sana hindi n lng kita minahal.. sana binatayan kong mabuti ang sarili ko…

Hindi sana aq nasasaktan ng ganito… hindi sana aq nahihirapang hanapin muli ang durog durog kong pagkatao ngayon…

Gusto q magsimula muli…gusto ko muli magsimula sa umpisa sa kung saan wala aq nararamdaman… manhid… yung di ko n alam ang pagkakaiba ng malungkot at masaya… ng hirap at ginhawa… yung panahon na tanggap ko lang ang itinadhana sa akin… yung panahon na ayus lang lahat… hndi maligaya pero hindi ngdurusa…

Paano? Paano b muling bumangon mula sa pagkakabaon? Paano ba umahon mula sa pagkalunod? Paano ba muling magumpisa na wala ka? Paano ko ba magagawang mahalin ang sarili ko? Hindi ko alam…pero kakayanin ko… kakayanin ko kasi kelangan ko ng bumitaw sa kahapon, kelangan kong magpatuloy at harapin ang bukas ng magisa…alam ko magagawa ko… para sa kaligayahan mo…para sa katahimikan ko… at para sa kalayaan nating dalawa…😔