Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

“Wala lang naman yan..”
“Wala lang ako magawa..”
“Kasi wala akong makausap..”
“At baka maistorbo kita..”
“Wala akong nararamdaman sa kanya..”
“KaText at Kachat ko lang ha..”
“Hindi ko pa nga yan nakikita..”
“Kahit tawagan at tanungin mo pa..”
“Ikaw ang mahal ko, hindi sya..”
“Ramdam mo naman yun diba?..”
“Pinagseselos lang kita…”
“Sinusubukan kung mahal mo rin ako talaga..”
“Ititigil ko na, huwag ka lang mawala..”
“Promise, wala nang iba!..”
“Ibabalik ko ang nawala mong tiwala..”
“Sorry na..hindi na mauulit maniwala ka..”
“Babawi ako.. mahal kita..”

Yan ang mga karaniwang linyahan nila..
Kapag nahuling may kaflirt na iba..
At kahit masakit, muli ka na naman umasa..
Ano magagawa?..Mahal mo e kaya ka naniwala..

Nananahimik lang naman sana..
Tapos papasok sa buhay mo bigla..
Pinakilig, pinuyat,pinasaya,
Pinaniwalang importante ka sa kanya..

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Pero ang masakit dito talaga..
Hindi ko alam pa’no nila nagagawa?
Kung kailan puso ay nahulog na..
At sobrang minamahal mo na nga..

Tska ka sasaktan at ibabalewala..
Hindi maintindihan pa’no nagbago bigla..
Hinahanap mo na ang dating sya..
Pero hinihintay nalang pala na sumuko ka..

At kahit paulit-ulit mo nang inunawa..
Lage ka na lang nyang pinaluha..
Sa huli, ayon, iiwanan ka na nga..
Wala na raw ang dati niyang nadarama..

Alam ko, nakakabaliw yan sa umpisa..
Maraming “bakit?” ..maraming sana..
Pero kapag ganyan na ang linya..
Bumitaw ka na..hayaan mo na..

‘Wag nang antayin magmukha kang kawawa..
Hindi basehan ng pag-ibig ang nadarama..
Kung hindi nya nakita ang iyong halaga..
Hindi karapat-dapat na panghinayangan pa..

Alam mo bakit sya inalis ni Bathala?
Dahil oras at pagmamahal mo’y naaaksaya na..
Kaya tumayo na ulit at ayusin ang korona..
Hindi ikaw ang nawalan, kundi sya..

PS:
Bago ka humanap ng iba,
Siguraduhing puso ay naghilom na
Kasi baka ikaw naman ang makasakit ng kapwa..

Send me the best BW Tampal!

* indicates required