Gusto Kong Maging Writer
Categories Poetry

Gusto Kong Maging Writer

Gusto kong maging writer. Matagal na.

Gusto kong sumulat ng masayang kwento na may masakit na simula.

Gusto kong gumawa ng tula na may pinilit na mga tugma.

Gusto kong sumulat. Matagal na.

Gusto kong isulat lahat ng emosyon na matagal ng gustong kumawala.

Gusto kong mag-iwan ng isang kwento mula sa nakaraang nais kong muling balikan.

Gusto kong bumuo ng isang kwento kung saan nakasulat sa isang buong pahina ang mga pangarap kong sandaling nagpapahinga.

Mga pangarap na naudlot dahil sa maling desisyon, matutupad gamit ang isang kwentong aking sisimulan.

Gusto kong sumulat ng isang nobela tungkol sa komplikadong pag-ibig, kwento ng tamang tao, maling pagkakataon pero may sapat na rason para piliin ang isa’t-isa.

Pwede rin yung kwento tungkol sa pag-aantay, hanggang sa dumating yung taong iyong pinakahihintay.

Gusto kong maging writer. Matagal na.

Gusto kong magsulat at magbahagi ng istoryang kapupulutan ng aral o kukurot sa puso ng iilan.

Maging inspirasyon kahit na sa isang taong pinili na maniwala.

Gusto kong magsulat kahit na maikling talata, para sa aking panimula.

Gusto kong maging isang libro ang bawat kwentong isusulat ko para mabasa ng mundo.

Alam ko, hindi pa ngayon pero balang araw.=

Balang araw ang salitang gusto kong maging writer, na nasa isip ko lang, ilan taon na. Matutupad.

Gamit ang mabigat na emosyon at malalim na isip.

Gusto kong maging writer, gustung-gusto ko.