Gusto mo lang ngayon Vs Gustung -gusto mo talaga

What if nag “yes” si Lord sa mga nagustuhan mo?

What if? Dumating yung the “best” kung saan prepared na prepared ka na.
Would it be harder to let go of being with a person na pinag investan mo ng time, dream and love. Then suddenly bigla mong mapefeel na, hindi pala sya?

Actually nangyayare yan sa karamihan. Kaya nga may mga relationships na napuputol kahit gaano pa katagal yung time na naging sila. Kase maybe, that person was there by their side, nag click sila, nagkagustuhan, yet there’s still best prepared for them. What if kaya this time, naging kayo?

Yet you know hindi sya yung “best” I mean, basta nagustuhan mo lang pero wala sa talagang gusto mo talaga (standard). May tendency kase yun na pag may nakilala kang tugmang tugma sa “standard” mo doon ka na pwedeng madistract. Being faithful is common sa mga babae, syempre since hindi mo naman talaga gusto or “standard” all along the time, you will found out na mas masaya ka pala sa talagang gusto mo. Kase mas nagkakasundo kayo, mas nagkakaintindihan kayo, and halos same yung wave ng heart beats nyo.

Kung sasabay ka lang sa uso na dapat may karelasyon ka na this age, or dapat may asawa ka na. Sa tingin mo talaga bang magiging masaya ka? To end up in a thing na alam mo naman talagang hindi “best”?

Exit mobile version