Pinakamahirap gawin ay ang umamin. Hindi ganun kadali ang pag amin. Lalo na’t hindi ka pa sigurado sa nararamdaman mo. Hindi ka pa siguro kung magwawagi ka sa gagawin mo. Pero mas okay na din yung aminin mo nararamadaman mo habang andiyan pa yung taong gusto mo. Oo masakit at mahirap ang ma-reject ng taong gusto mo. Pero mas mahirap at mas masakit ang sayangin ang chance na sabihin at gawin ang pag-amin na nais mo.
Hindi naman kailangang matagal mo nang kakilala bago ka pa magka-gusto sa ibang tao. May mga ibang tao na kakakilala palang eh may gusto na agad. Yun yung tinatanawag na infatuation lang. Gusto mo siya kase maganda siya, gusto mo siya kase sexy siya o gusto mo siya dahil mabait siya.
Madaming dahilan kung bakit nagkaka-gusto ang isang tao. Marahil may nakita siya sa taong gusto niya na matagal niya nang hinahanap o kaya ay may trait ang taong gusto niya na naging dahilan para magustuhan niya talaga ito. Hindi naman mahirap at hindi naman din madali ang magkagusto sa isang tao. Hindi mahirap dahil, tao lang naman tayo. We can love or we can have a crush on someone anytime we want. Hindi din madali ang magkagusto sa iba dahil may mga consequences to. Pwedeng layuan ka ng taong gusto mo pag nalaman niyang higit pa pala sa kaibigan ang gusto mo sa kanya. Pwede ding masaktan ka dahil baka i-reject ka lang niya.
Sabi nga nila you only live once so why doubt? If he’s/she’s worthit then try to strive for him/her. Ang taong matapang hindi natatakot sa rejection. Pag naging successful eh “wish granted” pag pumalpak eh “lesson learned” naman. Mahirap naman talagang umamin na may gusto ka sa ibang tao. Kailangan mo pang mag ipon ng sandamakmak na lakas at tibay ng loob para lang umamin. Andiyan kase yung pag-iisip na natatakot ako baka lumayo or pagtawanan ako. Hindi dapat ganun ang mindset na ilagay mo sa utak mo. Isipin mo nalang na ginagawa ko to para sa sariling kaligayahan ko. We all deserve to be happy.
Kaya ako eh, medyo naguguluhan pa. Gusto na ata kita. Kahit medyo ambilis ng pangyayari. Gusto kita. Kahit di pa kita masyadong kilala eh. Gusto na kita. Bahala ka sa buhay mo kung lalayo ka. Ang mahalaga eh sinabe ko nang gusto kita. Hindi ko kailangang kilalanin ka ng sobrang tagal bago ako magka-gusto sayo. Gusto kita kahit alam kong hindi pa pwede. Gusto kita kahit alam kong medyo malabong mangyari. Basta masaya akong gusto kita. Salamat kase dahil sayo sumaya ulit ako. Ikaw ang naging dahilan kung bakit naging gusto kita. Salamat sa pagbibigay ulit ng ngiti sa aking mga labi. Trip kita dati pero seryoso na ko ngayon sa sarili kong gusto pala talaga kita.