Ikaw ay lumisan

Nang wala man lang paalam

Paglayo mo ay labis na dinaramdam

Sakit at pangungulilang hangang sa kasalukuyan

kimkim at dala-dala parin ng pusong naiwan

 

 

Lubos na paghihintay

Ang tangi kong maiaalay

Wala mang mahahawakan

Na kahit ano mang kasiguraduhan

Kasiguraduhang di ako masasaktan

 

Di ko alam kung batid mo ba

Di ko alam kung ramdam mo rin ba

Sakit at lungkot na aking nadarama

Sana man lang ay alam ko

Ang sinasabi ng puso mo

 

Iiyak ko na lang , Iiyak ko na lamang

ang lahat na aking nadarama

iiyak ko na lang, iiyak ko na lamang

Sa hangin itong nararamdaman

Iiyak ko na lang, iiyak ko na lamang

Baka sakaling makakarating

Ang luha kong tangay ng hangin

Na tangi lamang nakaaabot sa iyo sa akin

At baka sakaling tangayin ng hangin

Ang damdamin kong tinanatangi

Ng puso kong di mawari

Ang puso mo kung sino ba talagah ang nagmamay-ari.