Hindi lahat ng SINGLE.
Categories Relationships

Hindi lahat ng SINGLE.

Hindi lahat ng SINGLE.

 

Hindi lahat ng single bitter.
Ang iba mas piniling maging single muna.
Dahil sugat sa puso ay pilit na naghihilom pa.

Hindi lahat ng single ay manhid.
Ang iba masaya lang talaga sa kasalukuyang estado nila.
Pait at tamis ng buhat ay ninanamnam pa.

Hindi lahat ng single ay handa na.
Ang iba nalilito pa kung oras na ba para magmahal na.
O oras na ba na puso ay muling buksan para sa kanya.

Kaya, antay lang kung hanggang ngayon ikaw ay single parin.
Dahil ang ibang single ay may pinagdadaanan din.
Ang iba ay nag-aantay lang rin.