“Hindi na Kita Kilala”

“Hindi na kita kilala”

Hindi kita nakita sa isang Magasin sa tindahan sa may Baklaran.
Sadyang ako’y napatingin lang at kinumpara ang lahat sa nakaraan.

Iba na ang iyong tingin, Iba na ang iyong ngiti nagbago na ang lahat sayo sabi ng kanta at ito nga ay totoo.

Nagsimula akong magtanong, kailan pa?

Kailan pa naging malungkot ang mga tingin? at kailan pa naging pilit ang mga ngiti? Siguro nga kasabay ng panahon, naging mahirap din ang pag-ahon.

Inaalala ko pa ang mga pagkakataon, masasabi kong masaya naman noon pero malungkot talaga ngayon.

Nagsimula ulit bumuo ang utak ko ng mga tanong, kailan pa?

Kailan ka pa naging bingi? kahit ata batingtingin ko lahat ng kawali mananatili ka pa ring tengang kawali.

Kailan ka pa naging tanga? kilala kita, kahit yung pinakamahirap na lesson sa math at pinakamahabang formula kaya mong i-recite at iniiwan mo kaming nakanganga.

Kailan pa naging masaya ang pag-iisa? Ikaw ang tinaguriang “social butterfly” ng barkada ngunit tila ba bumuo ka ng pader na naghihiwalay sayo at sa iba.

Kailan ka pa nawala? Hinanap mo lang naman siya diba bakit hindi ka nakabalik?

Kailan pa? Sagutin mo naman.
Naguguluhan na ako sayo.

Siguro nga, nagbago ka na, hindi na kita kilala.

Siguro nga pagbabago ang kahingian para makumpleto ang pagkakakilanlan.

“Nagbago ka na sarili”
Hindi na kita kilala ngunit hahanapin muli kita.

Published
Categorized as Poetry
Exit mobile version