Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Hello sa’yo.
Hello sa taong pinili ko na baka saktan ako.
Hello sa’yo na inuumpisahan kong ipanalangin.

Sobrang magkaiba ang ating personalidad. Karakter at pananaw.

Ayoko sa kagaya mo!
Subalit mukang aking kakainin ang bawat letra ng salitang iyan.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Hindi kita gusto. Noon. Pero nagbabago pala talaga ang lahat. Di naman kita inasahan na humanay sa mga katangian na nais ko. Pero sa di ko maunawaan at maipaliwanag na dahilan unti-unti kitang nagugustuhan at sasabihin ko sa’yo ang totoo.

Natatakot ako!

Takot ako harapin ang sarili kong nadarama para sa’yo dahil alam ko kaikibat nito ang tyansa na ako ay mabigo at masaktan.

Oo, takot ako masaktan.
Alam kong wala kang responsibilidad na pagingatan ang puso ko sa pagbigay ko nito sa’yo.

Pero maaari bang ipahiram ko nalang sa’yo at tingnan mo kung magugustahan mo? Kung hindi man maaari mo bang ibalik ito ng walang lamat? At makakaasa ka na gayundin ang aking gagawin.

Hello sa’yo.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required