Alam kong darating ako sa puntong makakausad din ako sa ating kwento.

Paulit ulit na lumalaban araw araw pero hindi ko namamalayan, hindi na pala kita mahal

Unti unting nabubura ang mga alaala kasabay ng panalangin  na gusto na kitang makalimutan

Siguro nga matagal, mahabang proseso ang kailangang pagdaanan pero pag dumating ka na sa puntong ‘to ng buhay mo

Mas mamahalin mo kung sinong umalalay, gumabay at sumalo sa pira piraso mong puso

Salamat sa saglit na pananatili at tuluyang pag alis

Ang sarap sa pakiramdam na malaya na ako

Ngayon masasabi ko na ng diretso sa mga mata mo,

Na hindi ako para sayo

Nang walang halong pagkalungot at sakit

Dahil alam kong mas may hihigit pa sa pagmamahal na ibinahagi mo sa akin

Bawat piraso ng aking puso ay may madugong kwento

At sa muling pagbuo nito

Isang kwentong ini-akda ng Maykapal ang kailanma’y mananatili rito

Ngayon, isa ka na lang alaala na kailanma’y hindi na pwedeng balikan

Salamat sa lahat pati sa iyong paglisan.